You are viewing [info]virseph's journal

Self-imposed   
11:19pm 07/03/2007
 
mood: destined
This will most likely be my last entry in LiveJournal. No, I'm not switching to blogspot or any other blog place. I just think it's time to move on. This blog has served it's purpose long ago. I won't even mention what it is. It's just become an outlet for my rants. Although I've tried to write real experiences instead of what I thought, I feel that this blog exposes too much of my personal life, of what I've been doing, and of me. Yeah, I'm not making sense at all. But changes are about to happen and I don't want to be tempted to write it where everyone can see. I'l just have to keep it in my heart. Or probably change the viewing setting to myself only.

Maybe I just want to keep more things to myself now. But I'd still be checking up on friend's LJs. Yeah, Bye virseph, the last (almost) two years were fun. But change must happen and it needs to start here.

*first entry - 07/05/05.
*last entry - 07/03/07.
 
     Read 15 - Post
 
Fate   
09:59pm 02/03/2007
 
mood: hyper
Medyo matagal din akong hindi nagupdate. Anyway, gusto ko lang lagay dito yung mga significant events na nangyari ngayong linggo.

May 2 longtest ako nung monday, ayos naman results. Wala akong reklamo masyado. Medyo busy rin tong week na to kasi daming ginagawa. Ngayon lang ako makaka-pahinga (hopefully). Haha.

+++

Pero di acads gusto ko isulat dito. Who gives a shit about acads? ako. hehe. college na to eh. Anyway, nung wednesday, peers openhouse. Peers is an organization that helps you help yourself. or something like that. Parang guidance counselor sila. Tas yun member ako, rather, applicant pala. Haha. Sa openhouse, merong nagffortune telling gamit ang tarot cards. Bale, nung una kong try para basahin ang aking love life, malabo yung lumabas, marami daw taong invovled tapos na-iinfluence daw nila ako sa girl na yun. Di ko maalala yung sinabi eh. So nagpahula uli with a different deck of tarot cards. Hehe.

Iba na naman lumabas dun sa hula, sa naaalala ko o mga gusto ko lang maalala siguro, dream girl ko daw yung girl! Ayos! Tapos most likely kilala ko na. (Hmm, sino kaya to..?) Eto pa, motherly figure daw sya. Tapos mas matanda sa akin! Haha. Shet. OK lang, age doesn't matter. XD Tas may iba ring hula tungkol sa akin, parang meron daw aalis (deads, ibang bansa, dunno) pero di ako maapektuhan. Tas may malaki ring pagbabago sa akin na mangyayari. Pero maganda naman daw ang kalalabasan.

+++

Kahapon naman, nung theo namin meron akong di inaasahang nakilalang tao galing sa aking nakaraan. Bale, roughly ganito nangyari: Nagtatanong kasi yung teacher namin kung meron daw ba kaming experience kung na-oppress ba kami ever. tapos una nyang tinawag si Mars.

(Not her exact words, english yata kasi)
Mars: When I was in kinder in Poveda, there was this guy that oppressed me. Since there were only like 5 guys in the class, they banded together against us girls. So there was this guy named Francis who used to pick on me...

Ok, most people don't know, pero nag-aral ako sa Poveda nung kinder. Tapos meron din akong kilalang guy na pangalan ay Francis, at yes, bully sya. Haha. So malamang naging classmate ko si Mars nung kinder. So ang ginawa ko, inapproach ko sya after ng class. Sabi ko: "Hey Mars, naaalala mo pa ako? Joseph (while pointing at myself)" Turns out, naaalala nga nya ako! haha. Kaso ang problema, di ko talaga sya ma-mukhaan. Naman, 20 na babae meron sa class nun, tas mahiyain pa ako. I could probably remember only 2 or 3 names. So ayun, nagkwento siya about the past na hindi ko talaga maalala kasi di ko sya maalala. :D She gave names that people I knew, pero I couldn't remember hers. She even mentioned Hannah Chua, who apparently had a crush on me. Haha. No wonder inaasar ako sa kanya ng ate ko before. =/ Anyway, I almost said who my crush was that time.

Dahil na-bother ako na naaalala nya ako samantalang di ko sya maalala, tinanong ko sa YM yung friend nya kung ano real name ni Mars. Strella Marie. It sounded familiar. I already had someone in mind, pero ayoko mag-assume. Hinanap ko sa bahay yung parang momento na binigay sa amin 15 years ago. It was a cardboard with some pics on it. Tas mga "signature" nung mga babae. :P

Then I saw her face, and wow! No wonder di ko sya nakilala. Nagbago eh, well, let's just say she was thinner before. :) Also, her nickname changed. Maristel sya before. And Maristel was my childhood crush. Haha. Di pa kami nakakapagusap uli, pero I'd really want to talk to her again. Wala lang, just remember my childhood. Di ko na kasi masyadong maalala eh. Eh she seems to have a pretty good memory. Hehe.

+++

Haba na pala ng post na to. Pagpasensyahan na at matagal di naka-pagupdate. Daming may birthday ngayong March! Woot! Happy Birthday kina: Rey de la Cruz, Keziah Ong, Gina Morabe (Feb 29), Kian Yang, Jerms Reyes, Bern Rongcal, Ayo Sulit, Michael Calvelo, Alvin Ramos, RV Salazar, at syempre, yours truly, JV Salazar (March 19)
 
     Read 16 - Post
 
Quite Poetic   
09:37pm 05/02/2007
  After a long unfruitful weekend, may pasok na bukas. Haha. Sobrang walang kwenta tong weekend na to. I've accomplished NOTHING at all.
Anyhow, I'm feeling poetic.. here I go.

drifting along the seas of the damned
seeking shores of which are defiled
aphotic skies threatening to weep
redemption unwilling to forgive 

haha shet. I guess not. Drained na ako for the day.

~+~+~

You, you and you. The both of you. haha.
You care less now | You no longer care | Did you ever care?
Maybe you just acted wierd with me | I know, you know, that this won't work out anymore | Why should I even bother with you?
We can still work this out; one way or another | Will I still be going there? |This isn't going anywhere.

If this didn't make sense, it's because it isn't for you.

~+~+~

it's my lifestyle that's changed..
 
     Read 2 - Post
 
UNLIBULOK   
03:01pm 02/02/2007
  PUTANGINA! I guess lahat naman na ng globe people alam na to by now. Na double na ang bayad sa unlimitext. Hindi ko alam kung ano ang definition nila ng SULIT. Pero tangina nila. Ang nakakapikon talaga ay dahil kakalipat ko pa lang sa globe nung sunday lang.  >_<
Kaya kung hindi magbabago o babalik sa dati yung unlimitext na yan, baka bumalik na ako sa old sim ko na SMART.

Hindi ko alam bakit, pero gusto kong sumigaw at pumatay ng tao. Hahaha. Joke lang yung pumatay ng tao. As in right this instant gusto ko sumigaw. kaso nasa computer shop ako eh, mukha naman akong tanga kung ginawa ko yun. Haha.

Naisip ko lang kagabi, what if by some freakish chance I get to see and talk to "myself" 2 years ago? 2 years kasi high school pa ako nun. Feeling ko kasi ang laki na ng pinagbago ko eh. Hehe. Wala lang. Ano kaya sasabihin ko sa sarili ko? Masasabi ko kaya, "You're gonna turn out fine." Hindi ko alam kung I changed for the better or for the worse eh. Siguro ang tanging makakasabi lang ay ang "ako" 2 years ago. Am I the guy that I wanted to be? Hindi ko na alam. Haha. Shet ang labo mehn.
 
     Read 6 - Post
 
team titans   
10:15pm 22/01/2007
  We lost the championship game. .

Second place na naman para sa akin. Pero salamat sa mga pisay friends/teammates ko na parati naglalaro at minsan maglaro. Gusto ko sanang maghanap ng sisisihin eh. Kaso wala si Wilfred. Hahaha! Joke lang stepshock; cool dude. Hindi ko alam kung saan kami nagkulang, baka ganun lang talaga kagaling yung kalaban. Congrats to Eliazo and Marlon "the traitor" Ibabao. Hehe. =P

Oh well, ganyan lang talaga ang buhay. Pero hindi sa pagyayabang, nakakuha naman ako ng consolation prizes, mythical five, defensive player of the year and MVP. :) Mas masarap sana kung may championship.

Ayun lang.  Sana malagay ako sa Guidon o kung ano mang diyaryo ng ateneo. Hahaha! Joke.


 
     Read 10 - Post
 
Luck rhymes with Puck.   
11:05am 15/12/2006
 
mood: pessimistic
Stolen from [info]iamkaye 

Does your name say who you are?

J: Lives life for fun.
O:  Best in bed.
S: Easy to fall in love with.
E: A Good Kisser.
P: Popular with all types of people.
H: Have a very good personality and looks.


KEY:
A: Likes to drink.
B: Likes people
C: Is wild and crazy.
D: Has one of the best personalities ever
E: A Good Kisser.
F: People adore you.
G & H: Have a very good personality and looks.
I: Loves everyone.
J: Lives life for fun.
K: Really silly.
L: Loved by everyone
M: Makes dating fun
N: Dead sexy.
O: Best in bed.
P: Popular with all types of people.
Q: A hypocrite.
R. Fuckin crazy.
S: Easy to fall in love with
T: Loyal to those you love.
U: Really like to chill.
V: Not judgemental.
W: Very broad minded.
X: Never let people tell you what to do.
Y: One of the best damn bf's/gf's anyone could ask for.
Z: Always ready.

NIce! Ngayon ko lang minahal ng ganito pangalan ko. =P Hanep sa O at E. Hahaha.

Okay, back to my life. Napaka-malas ng linggo na ito. Seryoso. Hindi ko alam kung ano ginawa ko para maging ganito kamalas. Pero ang nakakatawa, parang wala na akong paki. Malas kung malas, ganun yata talaga buhay ko. May kapalit na kamalasan ang bawat magandang pangyayari.

Hindi ko na indedetalye ang mga nangyari, pero eto mga nangyari noong nakalipas na 3 araw.
  • Wednesday: Nagcut ako para pumunta sa auditions ng PNTM. Masyado yatang mataas expectations ko. Malas. Isang klase lang pinasukan ko. Tas kumulo pa tiyan ko nung papatapos na yung klase..
  • Thursday: Nagcut ako ng PE para ihatid mom at bro ko. Naging driver ako. Nagpagupit ako at ampanget nung gupit sa akin, Mukha akong military guy. No offense sa mga military peeps, pero di ko lang talaga trips yung buhok eh.
  • Friday: Eto na ang matindi, nagcut na naman ako. haha. Isang subject. Tas pumuntang greenbelt. Sumabit ako, pero tinakbuhan ko lang yung nasabitan ko. Hehehe. Nahuli ako ng MMDA, at nagbribe ako. Nagkaligaw-ligaw ako ng daan kanina. Naiwan ko nga pala ID ko sa bahay. Bihira lang mangyari yun. Natatanggal na yung buong kuko ko sa pinky toe.
Sana naman maging masaya christmas ko. =P makatanggap man lang sana ako kahit simpleng regalo. (ahem ahem) =P 
 
     Read 2 - Post
 
K.O.   
02:12pm 23/11/2006
 
mood: nahihilo ng konti
Ngayon lang ako na-knockout sa buong buhay ko.

Di ko talaga maalala yung details pero sobrang sakit ng ulo ko ngayon. Hindi ko rin lalagay yung mga nangyari based sa mga sinabi sa akin. Anyway, ganito yung mga naalala kong nangyari (raw)..

Basketball game, titans vs eliazo. 4th quarter na, lamang eliazo by 4 points 12 seconds remaining. In-bound pass ng eliazo guy to another, hinabol ko. tapos hindi siya tumuloy para maglayup para ubusin na yung oras. biglang may sumigaw ng "foul mo". Hinabol ko tas biglang.. BOOM! di ko alam nangyari. parang umikot yung paligid. may nagbigay ng tissue. dumudugo ilong at labi ko. may mga nagsasalita. di ko sila maintindihan. tumayo ako at pumuntang drinking fountain. parang nagfflash sa harap ko yung mga pangyayari sa buhay ko. seryoso. pati ragna bigla kong naalala. tas parang nadejavu ako na ewan. after ko uminom, nakasalubong ko yung iffoul ko dapat. nagtaka ako ba't di man lang siya nasugatan or nagsorry man lang. tapos kinuha ko bag ko at dumiretsong cr.(gumagalaw na magisa yung katawan ko nung time na to. di ko na alam kung bakit ko ginagawa yun.) bago pumasok, di ko narecognize agad yung cr, so chineck ko kung mens ba. naghilamos ako sa cr. nagbihis. tapos sinabi ni paolo (nevado), na siya raw yung naka-bunggo sa akin. hindi ko maalala. natakot ako baka nagka-amnesia ako. ok pa, naalala ko pa name ko. mukha naman walang brain damage. tas sa labas, tumigil na yung nose bleed. pero may sugat ako sa loob ng lips ko. di ko maramdaman yung sakit. nangingibabaw yung sakit ng ulo ko. pagkatapos ko magbihis, lumabas ako ng cr. nakita ko yung buong cov courts. tas nagtaka ako kung pano ako napunta dun. actually, di ko narecognize yung buong cov courts for 5 seconds or so. haha

ayun. after nun, ok na ako. mukha namang walang major injury. pero baka may nagalaw sa loob, so papacheck ko na rin. hopefully, walang masamang nangyari. dumami pala bigla utang ko. haha. lahat ng tao nagclaim na may utang ako sa kanila amf. hahaha. pero naaalala ko pa rin utang ni zaw sa akin kanina. :P
 
     Read 4 - Post
 
Multiply   
05:14am 31/10/2006
 
mood: good
Meron na akong (buhay) na Multiply account! yehey! wala lang. iba talaga nagagawa pag-bored ka dito sa bahay eh. Dati pa talaga akong may account. di ko maalala kung kelan ko pa ginawa.

Multiply ko!! :)

wala pa masyadong laman. malamang bago pa lang eh. este bagong active pala :) pero di ko rin siguro malalagyan ng maraming pics kasi walang akong sariling cam. so puro nakaw tska mga galing sa fone yung pics. hehe

~+~+~

Minarathon ko yung buong season 1 ng Prison Break kahapon. Takte ang ganda talaga. hindi ko kasi napanood yung ng tuloy-tuloy dati. tas ngayong napanood ko ng buo, WOW. Parang bawat event na lang, talagang kakabahan ka para sa kanila eh. Talagang may excitement, kahit minsan alam ko na kung ano mangyayari, pero nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Nung naki-nood nga nanay ko, sinabi bigla, "teka nga, naiihi na ako". hahaha! XD pero meron talaga yung mga ganong instances eh, na gusto ko na muna umalis kasi sobrang intense na nung mga pangyayari.

~+~+~

Gusto ko sana lagay dito yung mga nangyari sa Punta Fuego at Chateu Royale. Pero wag na lang. tinatamad ako. haha labo. basta may mga sumuka. =P

Dahil medyo mahaba-haba din yun, siguro nasarapan ako masyado. Kasi after non, parang wala na akong ganda maglaro sa pc. kasi mas masaya sa batangas eh. May kakaibang high dun akong nakukuha. kaya pakiramdam ko nadiminish yung dating high na binibigay sa akin gng paglalaro ng pc games. NBA live 07 nga tinamad akong laruin eh. Kahit nung bago ako pumuntang batangas, sobrang nananabik na akong maglaro nung live 07. hehe.

~+~+~

Pumunta akong bangko kanina mag-isa. 1st time. Naka-kotse naman ako kaya easy lang. may dinala lang ako dun. Di ko talaga alam kung ano, pero pinapabigay kasi ng mom ko. tapos nun, pumunta akong shopwise, 1st time ko rin pumunta dun ng naka-kotse at mag-isa. Tapos mag-isa rin akong bumili ng mga pinapabili sa akin. food and stuff. Siguro marami sa ka-age ko ngayon ay nagawa na bumili mag-isa at gumawa ng errands mag-isa commute man o kotse. Medyo naging dependent kasi ako mga  magulang ko. =P wala lang. ansarap ng feeling of independence (sort of). haha.

 
     Read 2 - Post
 
rest mode [on]   
11:36pm 23/10/2006
 
mood: bouncy
Hindi ko nararamdaman sem break. parang isang weekend lang. pero sana bukas maramdaman ko na!
kasi bukas pupunta akong BATANGAS! WOOHOO!! Punta Fuego here I come! :) Tapos, pupunta ako ng tagaytay after nun. yehey. mukhang masaya to! Napaka-busy ng week na to kung sakali. pero enjoy naman sana.

Kanina, nagpagupit ako at nagpa-foot spa. ayos lang yung foot spa, hindi naman sobrang *aaaahhh*. Pero nakaka-relaks na rin. :)

Tinatamad na ako magsulat. hehe. gusto ko lang mag-post ng entry bago umalis mamayang umaga. :P
 
     Post
 
Pwede na rin   
02:18pm 14/10/2006
 
mood: 1 week to go!!
Ako yung lead role sa dula namin kanina. Tatay ang character ko. 1st time ko maging lead sa isang play. May mga plays na akong nasalihan dati, pero eto yung pinakamatinding emosyon ang pinapakita ko. as in heavy talaga mehn. tuwa, gulat, lungkot, galit. tas lahat dapat exagg.

Title ng dula ay "Pasalabong", title pa lang korny na, ako nakaisip eh. hahaha. Pero naisip ko naman kasi na wala sa title yan. Nasa performance. naks. :) medyo matagal rin kami nagpractice para dito. daming pawis at pawis uli ang binuhos namin. haha

Anyway, basically yung story nung dula, may isang tatay na galing sa saudi tas umuwi na, kasi walang trabaho. tapos, magiging wife beater/lasengero/drug dealer sya kasi bad trip na siya sa buhay niya. Tapos isang araw, biglang papatayin ng isang anak niya yung buong pamilya except yung tatay. tas mababaliw yung tatay at anak. yahoo. haha labo nung sinulat ko. basta yun.

Kami ang 4th place. apat lang yung groups. ayos

Pero hindi ako sarcastic. Ayos talaga eh. Kasi kahit papaano, alam ko namang ginawa ko lahat ng makakaya ko. Kahit tanungin pa yung mga nakapanood, ibang JV (si Gardo na) yung nasa stage nung time na yun. tska wala na ring orals sa fil eh! woohoo!

OK. back to work. sched for next week:

Monday - Psych FINALS
Tuesday - Histo FINALS
Wednesday - CS Project Submission
Thursday - Fil Paper Submission
Friday - CS FINALS

ANG SARAAAP. one requirement lang each day!! Woohoo!! :)

EDIT:

Meron na nga pala akong Intal jersey shorts. galing sa kanya mismo. wakekeke. >:)
 
     Read 8 - Post
 
Psycho na Ako   
04:03pm 08/10/2006
 
mood: sleepy
Puro psychology 101 lang inatupag ko buong araw. Dalawa kasing psych requirements ang kelangan kong gawin. Isang individual at isang group project. hay.

Bale sa individual, pinapagawa kami ng kahit ano, para sagutin ang katangunang, "who am i?". naisipan kong gumawa na lang ng web page. eto yung site. please lang, wag nyo laitin. Sa totoo lang, hindi naman panget yung kinalabasan eh. Pero hindi lang ganon kaganda sa inaasahan kong mangyari. Marami rin kasing factors na dapat i-consider. Una, wala akong panahon para gumawa ng magandang web page. Pangalawa, pagkatagal-tagal ko na nung huli akong gumawa ng matinong web page. mga 2nd year highschool siguro yung last. Pangatlo, wala akong matinong program o software sa paggawa ng web page. Ewan ko ba kung bakit wala na yung MS Frontpage. Tapos wala pa akong photoshop dito. grabeh. Notepad lang at ms paint. wooh. old school modes. kinayod ko pa talaga utak ko para lang maalala yung codes. tas narealize kong pwede nga pala hanapin sa net. haha.

Hindi tapos group project namin sa psych. pero bahala na. inaantok na ako talaga. ayoko na magsulat. hehehe.
 
     Post
 
Ateneo Spirit   
09:16pm 02/10/2006
 
mood: crushed
Talo na kung talo. Pero hindi mo pwedeng alisan ng dangal at dignidad ang Team Ateneo. Lalo na si Macky Escalona.
Sad to say, pero tingin ko hindi 100% si pareng JC Intal. Talagang matindi lang ang pressure sa kanya ng lahat.

Masasabi kong apektado talaga ako sa nangyaring pagkatalo. Iba kasi pagkilala mo yung mga players eh. Talagang makikiramay ka sa kanila. Kahit yung mga nakikita mo lang sa daan, iba eh.

Para sa mga kaibigan ko sa UAAP na JC Intal, kung mabasa man nya ito: Sayang talaga. twice mo sanang napanalo ang ateneo. Pero kahit ganoon pa man, MVP ka pa rin sa puso namin, wala kasing dunk, kaya siguro talo. Kay kaibigang Zion Lattere naman, ang ganda ng pinakita mong game. Pinakita mo ang puso ng atenista, in offense and specially in defense. Anlupit nung mga blocks at rebound eh.

Salamat sa Ateneo Basketball team of 2006, sa isang napakaganda at makabuluhang taon. Pinatawa, pinaluha, pinakaba at pina-excite ang mga atenista. Sa puso ko, at marahil sa karamihan ng ibang atenista, KAYO ang tunay na CHAMPION.
 
     Read 16 - Post
 
MIlenyo   
01:21pm 30/09/2006
 
mood: annoyed
BWISET/HASSLE/@#$$&*&(!!! = MILENYO.  Alam na nating lahat ang nangyari, kaya di ko na lalagay dito.

Gusto ko lang kwento kung ano nangyari sa bahay ko nung nawala yung kuryente for 2783974 hrs....



































































WALA. TANGINA! KUNG NABUBULOK YUNG PAGKAIN SA REF, PATI AKO NABUBULOK NA SA BAHAY NUNG WALANG KURYENTE!!

pero what if nga kaya na mawala yung kuryente sa buong mundo. as in permanent. na tipong for some wierd reason ayaw lang talaga gumana ng mga electronic stuff, pati kotse. parang yung nangyari sa War of the Worlds. pero wala yung mga aliens. para mas realistic. hahaha. makita lang na magkakagulo lang talaga yung mga tao.. wala lang. ano kaya mangyayari? chaos? siguro sandali lang. tas ayos na naman. pero bad trip yun. sana di mangyari. hehehe.

BTW, may nabalitang may paparating na bagong bagyo. mas malakas kay Milenyo, SUPAH TAI FUN(typhoon) NENENG(?). same path na dinaanan ni Milenyo. at guess what? bukas na siya dadarating. ewan ko kung rumor lang toh, pero sana hindi totoo...

Pagdasal na lang natin lahat ng mga nasalanta n bagyo, pati ang ATENEO SRS. AT JRS. BASKETBALL TEAM. WOOHOO!! GO ATENEO!! ONE BIG FIGHT!!
 
     Read 4 - Post
 
eto ang blanko   
09:26pm 20/09/2006
 
mood: exhausted
Napakawalang kwenta pala nung previous post ko. Para akong lasing, walang matinong flow. haha. Anyway, kanina lang, mga 5 mins ago, tinatanong ko dad ko nung name ng kapatid niya, at mga asawa nila. tapos tatanong ko rin kung ano trabaho ng bawat isa. Para sa psychology 101 kasi, parang family tree with work. labo. so ayun nga, sa simula pa lang, hindi ko na maalala NAME ng LOLO ko. OMG. as in blank talaga. ang alam ko lang yung nickname, which is "lolo tatang". pero alam ko talaga yun, siguro 1 SEM AGO maalala ko yun. Tapos hindi lang yun ang hindi ko maalala, pati names ng mga tita at tito ko. grabe. may memory problem na ata talaga ako. pati pala yung ibang pinsan ko di ko maalala name.
siguro buhat na rin ng stress kaya ako nagkakaganito..

=~=~=

Pumunta ako sa San MIguel Corp. kaninang 3:30pm. May appointment kasi ako kay Mr. Fernie Pablo, tatay ni Juanchi. Kasama ko si Red pumunta, tapos ininterview namin siya. Gumagawa kasi kami ng parang case study tapos tungkol sa San Mig. hehe. Ok naman yung kinalabasan. Dami namin nakuhang information, tapos entertaining pa. Parang si Juanchi talaga Dad niya, hindi lang sa mukha eh, pati yung maliliit na hand gestures. hehehe.

=~=~=

Napakaraming dapat gawin, long test, mga paper, etc. Ayoko na ng sem na ito. Gusto ko na magtrabaho. haha. parang ansarap kasi nung feeling ko kanina habang nasa loob ako nung office ng San Mig. Ibang klase yung atmosphere eh. May mga makikita kang empleyado tapos sobrang busy talaga sila. Pero paglabas, nakangiti lahat pagbaba sa elevator. Tapos kung ganon naman kaganda yung lugar na tatrabahuhan mo, (katapat pa ng megamall) edi ayos na rin. tapos chix pa co-workers (ampo, yun lang pala habol eh. hahaha), edi solve na! :D

ok yun na yun. update lang. tapos maghahanap na ako ng bagong game. haha. wala nang aral-aral. bukas na lang. pahinga modes. :)
 
     Read 10 - Post
 
Blanko   
11:06pm 16/09/2006
 
mood: blank
Nagpa-car wash ako kanina. 1st time ko makakita ng actual na car wash, tapos ako pa mag-isa kaya hindi ako komportable kasi baka kung ano gawin nila sa kotse ko (pero naka pangalan sa ate ko yung kotse). anyway, nagshooting kami for history 18 kanina. woot! ansaya. naka-fatigues(di ko lam spelling ng kamoflads. hehe) basta yun. tapos mukhang gago. acet rin pala kanina kaya bwiset sobrang traffic sa ateneo. hinatid ko pa bro ko sa hs mula gate 3. hassle. yun lang, gusto ko lang magupdate. meme na me.

eto meme. haha

tagged by [info]talkative_bunny
Open your playlist, pick songs that start with each letter of your username, but the songs have to mean something to you. Don't just pick a song because it starts with a letter in your username. Post the list to your journal, if you want you can explain why the songs are important to you, but it's not required. Tag at least five other people to do the meme.

Versus by Urbandub - Ang konti lang ng may V sa simula. haha. significant ito kasi noon introvert talaga ako, tas ngayon hindi na sobrang mahiyain. :)

Island in the Sun by Weezer - wala lang. hep hep. haha. aliw yung song eh.

Running Away by Hoobastank - damn, this song breaks me at the core. haha. recently ko lang uli narinig. ilang instances na ito nangyari sa akin. haha. kakasawa na.

Sabihin mo na by Top Suzara - basta yun. haha

Ewan ko by Soapdish - hindi ko alam. kaya nga ewan ko eh. haha. may song yung sa jam 88.3 na SOBRANG katunog ng intro ng ewan ko. bad trip sila. paasa eh.

Paris by Chicosci - nako. aside from the lyrics, may significance rin ito nung kinanta(chant) ko to. hehehe. valentines ata nun eh.. =P

H
ow to Save a Life by The Fray - aside from being one of my fave songs recently, may line dun na gusto ko. "where did i go wrong? I lost a friend somewhere along in the bitterness" hehe.

====

(belated/advanced) Happy Birthday kay lance reyes, carlo espinosa, monica ortiz, zara melgar, alexis dogwe at martin lorilla!!
 
     Read 4 - Post
 
My Girl   
10:18pm 10/09/2006
 
mood: indescribable
The Keys to Your Heart

You are attracted to those who are unbridled, untrammeled, and free.

In love, you feel the most alive when things are straight-forward, and you're told that you're loved.

You'd like to your lover to think you are loyal and faithful... that you'll never change.

You would be forced to break up with someone who was emotional, moody, and difficult to please.

Your ideal relationship is lasting. You want a relationship that looks to the future... one you can grow with.

Your risk of cheating is zero. You care about society and morality. You would never break a commitment.

You think of marriage pessimistically. You don't think happy marriages exist anymore.

In this moment, you think of love as commitment. Love only works when both people are totally devoted.


Haha. Natapos ka na rin My Girl. Ang ganda grabe. sino may My Sassy Girl Chun Yang(?)? basta yung koreanovela. haha. may hangover pa siguro ako kaya ganyan lumabas. :P (Kim Se Hyun <3)

Ayos MISA concert. the best band na sa akin ang URBANDUB. ang tindi talaga nila. ayos. paos nga ako kinabukasan eh. haha

Kelangan ko na mag-ayos sa basketball. gusto ko na mag-gym uli. hindi para lang gumanda katawan ko, pero para lumakas rin. masyadong makunat kalaban. hehe
 
     Read 7 - Post
 
Ayos   
10:02pm 06/09/2006
 
mood: Ayos
Andaming naayos sa buhay ko ngayon. Well, hindi naman ngayon, pero recently. haha. Naayos na rin yung PC ko sa wakas. Power supply lang yung problema. Na-miss ko rin to. hehe. Tapos yung Ref namin, nasira nung isang araw. Hindi na kasi lumalamig kaya pinaayos na rin. Ayos na rin basketball, panalo kami by default. LOL. walang kwenta. haha. ayos din yung lt ko sa history kahapon. Hindi naman sa madali, pero may nasagot ako eh. Haha. sana ayos din lt ko sa psych bukas. Ayos kasi marami akong friendships na na-renew or nastrengthen. Tulad kahapon, mas nakausap ko si pareng JC Intal. wahehe. Ayos din pala ang My Girl. Yung koreanovela sa abs-cbn na tapos na. hahaha. DVD ko lang pinapanood. ayos.
 
     Read 10 - Post
 
Quickie   
06:39pm 01/09/2006
 
mood: BAD TRIP
Mabilis lang to. malapit na dumating sundo ko eh. gusto ko lang magrant dito. baka sakaling mabawasan stress ko at mawala yung desire to commit suicide.

BAD TRIP KASI..

1) 3-3 na record ko. 3 loses straight! WTF is that. lahat close game. mga 4 pts lang ang lead. malas talaga

2) damn shit sira pc ko. nabobore na ako sa bahay. nasa neoatens lang ako ngayon.

3) damn acads. sobrang daming requirements. parang wala nang katapusan. SHET. next week may 2 atang long test, isang paper at isang quiz. OMG. 

gusto ko lang singit, sino gusto manood "you are the one?" trip trip lang. para naman may exciting na mangyari sa buhay ko.

"Akala ko nung una okay na ako, pero wala pa rin. Kahit anong gawin ko, parati na lang ako talunan." - Ms. Toni Gonzaga (You are the One)
 
     Read 12 - Post
 
Basketball Stuff   
02:45pm 29/08/2006
 
mood: inspired
3-1 na standing ko. Haay. Natalo kami kahapon by 3pts. I could've tied the game with 2 seconds left, pero nagrattle out yung ball. 53-50. :(

Anyhow, bawi na lang next game. Inspired na rin ako eh. Dahil for the 1st time sa buhay ko, napunta ako sa mythical five standings! Woohoo! Ang mas masarap pa, ako NUMBER 1 sa SOPH B division. Hindi ko talaga alam pano nila nacocommpute yun eh. Pero eto stats ko: (not accurate) 8.5ppg 4.0rpg 1.5apg 1spg  2.0bpg. So sana lang mamaintain ko yan, or mas mapataas pa. hehe. nagtataka lang ako sa 4rpg, sa ibang tao yata nalagay stats ko e. haha

Kanina lang, nakita ko si T-MAC. yes. si T-MAC nga. no, hindi siya nagdunk. no, wala akong pic o autograph niya. :P nag-cut pa ako ng history para lang makita siya magdunk, yun pala wala rin lang gagawin. hahaha. oh well. Anlaki ni gago. hahaha.
 
     Read 6 - Post
 
3-0   
09:34pm 23/08/2006
 
mood: masayang hinde
3-0 na record ko sa IAC basketball. Bali yung unang game sa YFC, tapos 2 sa team Titans. YES, 2 beses na kaming nanalo sa team titans aka pisay team sa ateneo. :) hehehe. sarap. although, minamal nga lang stats ko. =/

Kwento ko na lang nangyari kanina. Bale si kirk nagbakaw simula pa lang. hahahaha. pero ok lang, kasi pumapasok naman tira nya. anyway, nagstart ay si jv (that's me), bern, kirk, caleb at jerms. (tama ba?) basta yan. taena. tas si caleb umariba. 6 pts agad si doggie. next qtr, sub lahat! haha. si mark zara, billy, louel, rey at paolo naman. malamang si louel at billy gumawa. tapos balik uli kami pero biglang humahabol na yung kalaban. simula pa lang, umabot na ng 20pts lead namin. so naging scoring race against each other kami. lahat gusto magkastats. kaya may isang point nung 4th quarter kung saan umabot na ng 8pts na lang yung lead namin. kasi nga wala na silang malaki (ahem). hehehe. kahit na wala naman akong blocks nung game na yun. iba pa rin ang presence ko eh. wahehehe. :P so the game ended na 39-60 ang score. hehe. galing. team B ng pisay ang galing talaga. haha. [stats ko, 6pts,  5 rebs, 2 assts, 1 stl] kulang sa minutes. haha

so anyway, may paper pa ako para sa psych na due bukas at di ko pa nasisimulan. hehehe. gusto ko lang magyabang. LOL

edit: btw, nagdota kami after nung game. hahaha. taena yan. ambano ko na. yun lang. :)
 
     Read 20 - Post